Mga makinarya sa pagsasaka ipinamahagi ng DA sa Mariveles Bataan
Namahagi ng mga makinarya sa pagsasaka ang Department of Agriculture (DA), sa 5 rehistradong asosasyon ng mga magsasaka sa bayan ng Mariveles, Bataan.
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Municipal Agriculture Janine Torres,Vice Mayor Angelito Rubia,Municipal Administrator Angel Peliglorio at Committee Chair on Agriculture and Fisheries, Municipal Councilor Harry Golocan.
Sa ilalim ng Mechanization program ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF, layon nitong mapabuti ang ani at kita ng mga magsasaka at kakayahang makipagkumpetensya sa buong mundo, sa pamamagitan ng angkop na teknolohiya at makinarya.
Dahil dito mababawasan ang gastos sa produksiyon ng bigas sa paggamit ng tumpak epektibo at kompletong hanay ng mga makinarya, at mababawasan ang postharvest losses.
Sinabi ni Mariveles Municipal Agriculture Janine Torres na kabilang sa,5 asosasyon na tumanggap ng makinarya ay ang;
1. Barangay Mt.View,Alasasin and Cabcaben Farmers Association na tumanggap ng
1 riding type transplanter.
2. Lower Mariveles Irrigated Farmers Assn Incorporated – 1 four wheel tractor.
3. Samahan ng Magsasaka at Mangingisda ng Baseco – 1 unit handtractor
4. Sitio Agwawan farmers Assn. – 1 unit walk behind transplanter
5. Gintong Biyaya Farmers Assn – tumanggap naman ng Combine Harvester
Ang ganitong uri ng mga programa ng National Government ay nakararating sa mga magsasaka sa pamamagitan ng DA, at sa pakikipagtulungan ng Phillipine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech, DA-RFO 3, Provincial Government, LGU Mariveles at Municipal Agriculture Office.
Ulat ni Larry Biscocho