Mga mamamahayag hinostage ng armadong mga lalaking lumusob sa isang TV station sa Ecuador
Pinasok ng armadong mga lalaki na nakasuot ng balaclavas ang studio ng isang public television station sa lungsod ng Guayaquil sa Ecuador, at hinostage ang ilang mga mamamahayag at staff members na nakita ng live sa telebisyon.
“Don’t shoot, please don’t shoot,” ito ang isinisigaw ng isang babae habang pumapailanlang ang mga putok ng baril, at pinipilit ng mga attacker na may dalang mga granada at riple ang nahintakutang crew ng TC broadcaster na lumuhod o dumapa.
Screegrab from AFPTV
Sa isang maikling pahayag sa media, ay sinabi ng pulisya, “National Police units in Quito and Guayaquil have been alerted about this criminal act and are already on the scene.”
Ang live broadcast ay nagpatuloy, bagama’t pinatay na ang ilaw sa set. Nasa 30 minuto makalipas ay lumitaw na ang gunmen, at makikita naman ang mga pulis na pumapasok na rin.
Isang lalaking unipormado ang sumigaw, “We have a wounded colleague.”
Screengrab from AFPTV
Sinabi ng isa sa mga mamamahayag sa isang WhatsApp message, “Please, they came in to kill us. God don’t let this happen. The criminals are on air.”
Nangyari ang insidente habang ang 36-anyos na bagong pangulo ng Ecuador na si Daniel Noboa, ay nahaharap sa problema kaugnay ng seguridad makaraang makatakas sa bilangguan ang isa sa pinakakilalang gangster sa bansa na si Jose Adolfo Macias, na mas kilala bilang “Fito.”
Noong Lunes, ay nagdeklara si Noboa ng 60-araw na state of emergency, maging sa mga kulungan sa Ecuador na kilala sa malimit na pagkakaroon ng mga karahasan, at nagpatupad ng isang nighttime curfew.
Screengrab from AFPTV
Bilang tugon, hinostage ng gangsters ang ilang police officers, at nagpalabas ng isang “chilling video” kung saan isa sa mga ito ay sapilitang pinagbasa ng mensaheng para kay Noboa.
Nakasaad sa mensahe, “You declared war, you will get war. “You declared a state of emergency. We declare police, civilians and soldiers to be the spoils of war.”
Nahalal si Noboa noong Oktubre sa isang pangako na lalabanan ang laganap na krimen at karahasan na may kaugnayan sa droga sa Ecuador — dating itinuturing na balwarte ng kapayapaan, ngunit ngayon ay isa nang “key stop” ng kalakalan ng cocaine sa US at Europe.