Mga mambabatas dismayado sa palpak na promotional video ng Love the Philippines
Dismayado ang mga mambabatas sa lumabas na kontrobersya kaugnay ng inilunsad na tourism campaign ng Department of Tourism, partikular ang mga ginamit na video footage na hindi naman kuha sa Pilipinas.
Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na malaking kalugihan ang nasabing kampanya sa gobyerno.
Dapat din aniyang ulitin ang promotional video para hindi mapahiya ang bansa.
“They should at the very least redo the campaign video. Parang nalugi ang gobyerno. Dapat may konting pride tayo sa ating trabaho especially if we are selling and marketing the Philippines,” pahayag ni Angara.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat proud ang mga Filipino sa trabaho lalo na kung gustong ibenta ang Pilipinas bilang pangunahing tourist destination
Sa Kamara tinawag naman ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Congressman Joey Salceda na trabahong tamad ang ginawa ng advertising consultant ng DOT para sa Love the Philippines campaign slogan.
Binigyang-diin pa ni Salceda na kaso ng plagiarism ang nagawa ng DDB Philippines sa promotional video nito na dapat ituwid ng ahensa at ng DOT.
“The whole mess with the contractor using stock footage in the promotional video proves my earliest point about the DOT either apologizing to Albay, or firing the consultant.“
“Clearly, the exclusion of Mayon and other tourist attractions intrinsic to the Philippine brand was just a symptom of “trabahong tamad” that is now evident to everyone” dagdag pa ni Salceda.
Inihayag ni Salceda pagpapaliwanagin niya ang DOT sa sandaling isalang sa Kongreso ang 2024 proposed budget ng ahensiya.
“I hope all these issues can be rectified before the budget hearings. Otherwise, I have a duty to ask questions,” sabi pa ng kongresista.
Batay sa report umaabot sa P49 million ang package price ng bagong DOT campaign slogan na napunta sa advertising agency na DDB Philippine Group.
Niliwanag ni Salceda na hindi political soundbites kundi lehitimo ang pagrereklamo niya sa DOT na hindi isinama ang Mayon Volcano sa launching video ng Love the Philippines campign slogan na kalaunan ay nabuko na hindi pala mga tourist spot sa Pilipinas ang ilang mga video footages na ginamit ng DDB Philppine Group.
“One lesson here is not to dismiss legitimate concerns as “political soundbites” but to listen, consult, and discuss. The country’s branding is reflective of our identity and aspirations as a people: what’s wrong with wanting to be represented well in that?” dagdag pa ni Salceda
Bagama’t sa mga panayam ay inihayag ni Sec Cristina Frasco na ilang beses umanong tiniyak sa kanila ng Advertising Agency na Original lahat ang mga materyales na ginamit sa Bagong Tourism Campaign.
Nauna nang nabunyag na ang Rice Terraces na nasa Tourism Video ay hindi Kuha Sa Banaue kundi sa Bali, Indonesia habang ang mangingisda ay sa Thailand, at ang Sand Dunes ay kuha sa Dubai.
Nag-utos na ng Imbestigasyon ang DOT sa nasabing kontrobersya.
Meanne Corvera/Vic Somintac