Mga mambabatas, hinikayat na bisitahin ang Pag-asa Island
Hinimok ni Senador Jinggoy Estrada ang mga kapwa mambabatas at iba pang government officials nabisitahin ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS)
Ito’y upang personal nilang makita ang sitwasyon ng mga kababayang naninirahan doon.
Sinabini Estrada na 2021 pa nang hagupitin ng bagyong Odette ang probinsya pero hanggang ngayon hindi pa nare-repair ang mga nasirang pasilidad doon.
Ini-halimbawa ng senador ang sirang classroom kaya ang mga bata nagka-klase sa isang silid sa labas o sa ilalim ng puno.
May health center man aniya sa isla pero walang nurse o doktor kaya kapag may emergency o may manganganak kailangan pang i-airlift sa Puerto Princesa sa Palawan.
Wala ring palengke o tindahan na maaring pagbilhan ng pagkain at ang mga residente umaasa lang sa mga suplay ng military na dinadala doon tuwing katapusan ng buwan.
Sanabi ni Estrada na kung may available na sasakyang lalapag ulit sa Pag-asa ay magpapadala sya ng lechon para sa mga residente.
Meanne Corvera