Mga mambabatas hinikayat na palakasin ang Vape Law
Isa sa bawat 7 kabataang Pilipino na nasa edad 13 hanggang 15 anyos ay gumagamit ng E-cigarette o Vape.
Batay ito sa resulta ng 2019 Global Youth Tobacco Survey.
Kaya naman sa panayam ng programang Ano sa Palagay Nyo sa Net25, sinabi ni Dr. Tony Leachon, na dapat nang kumilos ang mga mambabatas at gawing mabagsik ang Vape Law na naipasa noong 2022.
Sa nasabing batas kasi, ibinaba pa sa 18 anyos ang may access sa tobacco products mula sa dating 21 anyos.
Dapat din aniyang isama sa pag amyenda sa batas ang paglalagay ng graphic warning sa karton ng e-cigarretes.
Giit ni Leachon, napakamapanganib sa kalusugan ng mga kemikal na ginagamit sa vape.
Naniniwala rin si Leachon na nakaaapekto ito kaya maraming may diabetes ngayon.
Dahil din aniya sa ibat ibang flavor ng vape kaya patok ito sa mga kabataan.
Sa kabila nito, aminado naman ang Department of Health na hindi nila maipanawagan ang total ban sa sigarilyo at iba pang tobacco products.
Madelyn Villar- Moratillo