Mga manggagawa sa Bangkok inatasang mag-work from home na lamang dahil sa polusyon
Inatasan na mag-work from home na lamang ang mga empleyado sa siyudad ng Bangkok, upang maiwasan ang nakapipinsalang air pollution, dahil nababalot ng isang layer ng nakalalasong haze ang kabisera ng Thailand.
Hiniling ng city authorities ang kooperasyon ng mga empleyado mula sa employers, upang tulungan ang mga manggagawa sa siyudad na may 11 milyong katao na maiwasan ang polusyon, na inaasahang tatagal pa hanggang ngayong Biyernes.
Sa ranking ng air monitoring website na IQAir, ang Bangkok ay kabilang sa sampung pinaka-polluted na mga lungsod sa mundo.
Ayon sa IQAir, “Levels of the most dangerous PM2.5 particles — so tiny they can enter the bloodstream — were more than 15 times the World Health Organization’s annual guideline.”
Sinabi ni Bangkok governor Chadchart Sittipunt, na lahat ng mga empleyado sa siyudad ay dapat mag-work from home na lamang ng Huwebes at Biyernes.
Aniya, “I would like to ask for cooperation from the BMA network of about 151 companies and organisations, both government offices and the private sector.”
Sinabi pa niya na mahigit sa 60,000 katao ang apektado.
Ang BMA ay abbreviation para sa Bangkok Metropolitan Administration.
Ayon pa kay Chadchart, hindi bababa sa 20 mula sa 50 mga distrito ng Bangkok ang inaasahang magkakaroon ng ‘unhealthy levels’ ng PM2.5 particles, at posibleng tumagal ang problema dahil sa ‘calm weather.’
Ang kalidad ng hangin sa Thailand ay regular na bumababa sa mga unang buwan ng taon, dahil ang usok mula sa pagsusunog ng mga magsasaka sa kanilang pinag gapasan ay nakadaragdag pa sa industrial emissions at usok mula sa mga sasakyan.
Ang Bangkok at ang northern city ng Chiang Mai ay ilang araw na napabilang sa pinaka-polluted na siyudad sa mundo noong nakaraang taon.
Isang pampublikong krisis sa kalusugan ang namumuo dahil sa problema, kung saan hindi bababa sa dalawang milyong katao sa Thailand ang nangailangan ng medical treatment dahil sa polusyon noong 2023.
Nangako naman ang gobyerno ni Prime Minister Srettha Thavisin, na naupo sa puwesto noong Agosto, na gagawin niyang isang “national agenda” ang pagharap sa problema ng air pollution, at noong isang buwan ay inindorso ng kaniyang gabinete ang isang draft ng Clean Air Act.
Subalit umiiral pa rin ang problema, at noong isang buwan ay isang korte sa Chiang Mai ang nag-atas sa gobyerno na bumuo ng isang agarang plano upang resolbahin ang air pollution sa loob ng 90 araw.