Mga mangingisdang Indonesian nailigtas sa Australia matapos masira ang sinasakyan nilang bangka

This undated handout photo received on April 19, 2023 from the Australian Maritime Safety Authority (AMSA) shows Indonesian fishermen who were shipwrecked on Bedwell Island off Australia's west coast for six days without food or supplies. - Ten men washed up on Bedwell Island, about 300 kilometres (186 miles) west of the resort town Broome, after their boat was battered by a severe tropical cyclone while fishing in the Indian Ocean. (Photo by Handout / Australian Maritime Safety Authority (AMSA) / AFP) / ----EDITORS NOTE ----RESTRICTED TO EDITORIAL USE MANDATORY CREDIT " AFP PHOTO / AUSTRALIAN MARITIME SAFETY AUTHORITY" NO MARKETING NO ADVERTISING CAMPAIGNS - DISTRIBUTED AS A SERVICE TO CLIENTS - NO ARCHIVES

This undated handout photo received on April 19, 2023 from the Australian Maritime Safety Authority (AMSA) shows Indonesian fishermen who were shipwrecked on Bedwell Island off Australia’s west coast for six days without food or supplies. – Ten men washed up on Bedwell Island, about 300 kilometres (186 miles) west of the resort town Broome, after their boat was battered by a severe tropical cyclone while fishing in the Indian Ocean. (Photo by Handout / Australian Maritime Safety Authority (AMSA) / AFP) /

Isang grupo ng mga mangingisdang Indonesian ang nagpapagaling na, makaraan ang anim na araw nang pagkain o supplies dahil nasira ang kanilang bangka sa isang coral atoll sa west coast ng Australia.

Sampung lalaki ang napadpad sa Bedwell Island, mga 300 kilometro (186 milya) sa kanluran ng resort town ng Broome, matapos masira ang sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na bagyo habang nangingisda sa Indian Ocean.

Ang ika-11 mangingisda na mula sa isa pang bangka ay napadpad din sa pampang matapos mamalagi sa tubig ng 30 oras, ngunit nangangamba ang mga awtoridad na ang siyam nitong kasamahan ay nalunod na matapos lumubog ang kanilang bangka dulot ng malalaking alon.

Ang Bedwell Island ay malayo at walang natural shelter o freshwater sources, kundi isang kahabaan ng puting buhangin.

Ang mga mangingisda ay kinuha mula sa isla ng isang rescue helicopter, matapos mamataan ng isang Australian Border Force surveillance plane na nagpapatrulya.

Ayon sa mga opisyal, sa ngayon ay binibigyan sila ng medical treatment sa Australian mainland at babalik sa Indonesia sa sandaling makarekober.

Sinabi ng Australian Maritime Safety Authority, “Upon their arrival on the mainland, the individuals were provided with the appropriate care and medical support.”

Ang Tropical Cyclone Ilsa ay nag-landfall sa Western Australia noong Biyernes ng nakalipas na linggo, kung saan ang coastal regions ay binayo ng napakalalakas na hanging hindi pa naranasan ng bansa.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *