Mga marking pens na gagamitin sa eleksyon, sinimulan nang ipadala sa mga presinto ngayong araw
Bagamat nagkaroon ng kaunting problema ang Commission on Elections (Comelec) noong weekend sa mga gagamiting marking pens sa eleksyon, nagawan na ng paraan na mapalitan ang mga ito.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ngayong araw na sisimulan ang delivery ng mga bagong marking pens na ipadadala sa iba’t-ibang mga presinto.
Nauna nang naglabas ng memo ang Comelec central office kung saan pinababalik ng poll body sa mga local offices nito ang mga marking pen na ibinigay sa kanila dahil luma ang mga ginamit sa testing.
Sabi ni Jimenez, mas mainam na bago ang gamitin sa halalan para maiwasan ang aberya.
tiniyak din ni Jimenez na aabot ang in-order nilang isang milyong marking pens na ipadadala sa mahigit 80,000 presinto sa loob ng isang linggo.
“As of yesterday, nadeliver na po yung mga replacement ng mga marking pens. Ishi-shift na yan today, mayroon tayong isang linggo para maipadala yung mga bagong marking pens sa mga presinto at makasiguro tayo na hindi magba-blot ang mga ito”. – James Jimenez, Comelec spokesperson