Mga may-ari ng establishments at LGU binigyang otoridad ng IATF na huwag papasukin ang mga walang suot na facemask
Naglabas ng revised order ang Inter Agency Task Force o IATF na nagbibigay kapangyarihan sa mga may-ari ng establisyimento na huwag papasukin ang mga indibiduwal na walang suot na facemask.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na nagdesisyon ang IATF na ipaubaya sa mga may-ari ng establisyimento kasama ang local government unit o LGU na nakakasakop ang pagpapasya na huwag papasukin ang mga walang suot na facemask upang masiguro na nasusunod ang ipinatutupad na standard health protocol.
Ayon kay Nograles malinaw ang guidelines ng IATF sa pagluluwag ng mga restrictions sa Metro Manila na kailangang masunod ang standard health protocol upang masiguro na hindi na muling tataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Inihayag ni Nograles mismong ang mga Metro Manila mayor’s ang humiling sa IATF na bigyan ng kapangyarihan ang LGU’s at mga may ari ng establisyemento na magdesisyon na huwag papasukin ang mga hindi sumusunod sa standard health protocol.
Vic Somintac