Mga medicalclinic na sinuspinde ng DOH, dumulog sa Court of Appeals

Kinuwestyon sa Court of Appeals ng mga medical clinic na nagseserbisyo para sa mga OFW na patungong Kuwait ang indefinite suspension na ipinataw sa kanila ng DOH kahit walang pormal na reklamong inihain laban sa kanila.

Sa kanilang petisyon sa CA, hiniling ng Ruben Bartolome MD Clinic Inc., Abakkus Medical Diagnostic Services, Orion Medical & Diagnostic Center, at San Marcelino Medical Clinic Co. na ipawalang bisa nito ang preventive suspension order na inisyu ni Health Secretary Paulyn Obial noong March 9, 2017.

Hiniling din nila na magpalabas ang appellate court ng TRO para pigilin ang kautusan  na ihinto nila ang kanilang operasyon.

Ayon kay Atty. Edward Martinez, abogado ng mga medical clinic, hindi makatwiran ang suspension order dahil napagkaitan ang mga petitioner ng kanilang right to due process.

Giit ng mga petitioner, wala man lang pagdinig o imbestigasyon na isinagawa bago ipinataw ang suspensyon.

Wala rin anilang pormal na reklamo laban sa mga medical clinic at ang pinagbatayan lang ng suspensyon ay ang dalawang sa resolusyon sa Kamara.

Pinabulaanan naman ng mga medical clinic ang alegasyon na sila ay lumilikha ng monopolya.

Ayon sa kanila, apektado ang mga may-ari at empleyado ng mga klinika, hindi rin makaalis ang libu-libong OFW na papuntang Kuwait dahil ang papeles nila ay hindi maipoproseso hanggang hindi sila sumailalim sa medical examination.

Ulat ni: Moira Encina

—————————-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *