Mga minero nakahukay ng kulay pink na brilyante pinaniniwalaang pinakamalaki

This undated handout picture released by Lucapa Diamond Company Limited on July 27, 2022 shows a 170 carat pink diamond — dubbed The Lulo Rose — that was discovered at the Lulo mine in Angola’s diamond-rich northeast region. 
Handout / LUCAPA DIAMOND COMPANY LIMITED / AFP

Nakahukay ang mga minero sa Angola ng hindi pangkaraniwang purong kulay rosas na brilyante (diamond), na pinaniniwalaang pinakamalaking nadiskubre sa loob ng nakalipas na 300 taon.

Ayon sa Australian site operator na Lucapa Diamond Company, ang 170 carat pink diamond na binansagang The Lulo Rose ay nadiskubre sa Lulo mine sa bahaging hilagangsilangan ng bansa na mayaman sa brilyante, at kabilang sa pinakamalalaking brilyanteng natagpuan.

Malugod namang tinanggap ng Angolan government na ka-partner sa minahan, ang makasaysayang nadiskubreng Type IIa diamond, isa sa pinakabihira at pinakapurong uri ng natural na bato.

This undated handout picture released by Lucapa Diamond Company Limited on July 27, 2022 shows a 170 carat pink diamond — dubbed The Lulo Rose — that was discovered at the Lulo mine in Angola’s diamond-rich northeast region. (Photo by Handout / LUCAPA DIAMOND COMPANY LIMITED / AFP) /

Ayon sa Mineral Resources Minister ng Angola na si Diamantino Azevedo . . . “This record and spectacular pink diamond recovered from Lulo continues to showcase Angola as an important player on the world stage.”

Ang brilyante ay ibebenta sa international tender, at malamang na nakasisilaw ang maging presyo nito.

Bagama’t ang Lulo Rose ay kailangang tapyasin at dalisayin upang malaman ang tunay na halaga nito, sa isang proseso na maaaring maging sanhi para mabawasan ng 50 porsiyento ang bigat nito, ang katulad na mga kulay pink na brilyante ay naipagbili naman sa “record-breaking prices.”

Ang 59.6 carat Pink Star ay naibenta sa isang Hong Kong auction noong 2017 para sa halagang 71.2 million US dollars. Namamalagi iyong pinakamahal na brilyanteng naipagbili.

@Agence France-Presse

Please follow and like us: