Mga miyembro ng Kadamay na magtatangka pang mang-agaw ng pabahay sa gobyerno, dapat kasuhan
Kinondena ni Senador JV Ejercito ang panibagong pag-atake ng grupong kadamay sa mga housing units sa Rodriguez, Rizal.
Sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on housing and resettlement na naiintindihan niya ang sitwasyon ng mahihirap at walang permanenteng bahay.
Pero hindi aniya pwedeng gamiting rason ang pagiging mahirap para mang agaw o kumuha ng mga housing units at yurakan ang karapatan ng mga tunay na may ari.
Masyado na aniyang pineperwisyo ng Kadamay ang gobyerno at mga mahihirap na nagsisikap na magbayad sa NHA o Pag-ibig para magkaroon ng permanenteng masisilungan.
Naniniwala si Ejercito na hindi na dapa palampasim ang kasong ito at dapat ipatupad ng gobyerno ang Rule of Law at habulin ang mga may pakana ng pag -atake.
Senador JV:
“As Chair of the Senate Housing Committee, I understand the magnitude of the housing problem; the fact that many of our kababayans still do not have a house they can call their own. But as we are in the process of addressing this problem—including the creation of a Department of Housing and Urban Development, which is envisioned to address problems such as this—I urge the KADAMAY leaders to restrain their members because unlawful acts like this, instead of helping will only add confusion. Sa harap ng mga problemang kinakaharap natin, hindi solusyon ang paglabag sa batas at pagyurak sa karapatan ng iba”.
Ulat ni Meanne Corvera