Mga motorista na-trap, marami ang napilitang lumikas dahil sa malakas na pag-ulan sa Canada
Napilitang magsagawa ng evacuation ang isang bayan sa Canada, habang marami namang mga motorista ang na-trap sa mudslides, mga bato at debris na inanod sa magkabilang panig ng mga pangunahing lansangan.
Sa kaniyang tweet ay sinabi ng transportation ministry ng British Columbia . . . “Heavy rains and subsequent mudslides/flooding have impacted various highways in the BC interior,.”
Ayon kay Mike Farnworth, safety minister ng Agassiz, inabot din ng kung ilang oras bago naialis ng rescuers ang na-trap na mga motorista sa loob ng 80-100 mga sasakyan at mga trak na naipit sa pagitan ng dalawang mudslides malapit sa bayan ng Agassiz.
Aniya . . . “We are looking at the possibility of air rescues, if needed. High winds may challenge these efforts. There had been multiple rain-induced incidents in the southwest and central regions of the province, the situation is dynamic.”
Sa lungsod ng Abbotsford, sa labas ng Vancouver, ipinag-utos ng mga awtoridad sa mga residente na lisanin ang higit sa 100 mga bahay sa ilang kapitbahayan doon bunsod ng banta ng baha at mudslides.
Sa bayan ng Merritt, 290 kilometro sa silangan ng coastal city, ay ipinag-utos din sa lahat ng 7,000 mga residente na lumikas matapos tangayin ang dalawang tulay at masira ang kanilang wastewater treatment plant.
Nagtayo naman ng emergency centers para sa mga residenteng lumikas mula sa dalawang komunidad.
Ayon sa Environment Canada. . . “Up to 250 millimeters (almost 10 inches) of rain was expected by the afternoon in and around Vancouver, which was also hit last week by a rare tornado. A significant atmospheric river event continues to (bring) copious amounts of rain to the BC south coast today. Heavy rain will continue this morning and ease this afternoon as the system moves inland.”
Sinabi ni Environment Canada meteorologist Armel Castellan, na ang malalakas na hangin na may pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras, ay maaaring magdulot ng malawakang pagkawala sa suplay ng kuryente. (AFP)