Mga naaadmit na pasyenteng may COVID- 19 sa private hospitals mababa na rin
Mababa na rin ang bilang ng mga pasyenteng may COVID- 19 na naa-admit sa mga pribadong ospital.
Ayon kay Dr Jose de Grano, Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc., karamihan kasi ngayon ng mga nagpopositibo sa virus ay mild kaya pwede ng mag self quarantine nalang sa kanilang mga bahay.
Ang mas marami aniyang naoospital ngayon ay mga non COVID patients.
Ilan sa mga ito ay mga dati ng may sakit gaya ng Hypertension, Diabetes, Asthma, sakit sa bato, at Cancer.
Sa pediatric age naman aniya ay trangkaso at dengue.
Ang pagdami ng non COVID patients aniya ay maaaring dahil sa napabayaang pagpapa check up dahil sa takot sa ospital dahil narin sa COVID- 19 pandemic.
Madelyn Villar-Moratillo