Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa CALABARZON, umabot na sa mahigit 2.24-M
Aabot na sa mahigit dalawang milyong indibidwal mula A1 hanggang A5 priority groups mula sa CALABARZON ang naturukan na ng anti-COVID-19 vaccines.
Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 2,241,102 katao ang nabakunahan na laban sa virus sa rehiyon.
Mula sa nasabing bilang, nasa 698,000 na ang fully-vaccinated habang mahigit 1.54 milyon na ang nakatanggap ng unang dose.
Ang senior citizens ang pinakamarami sa nabakunahan na sa Region IV-A na higit 761,000 at pangalawa ang may comorbidities na nasa 663,000.
Samantala, nakatanggap na ng mahigit 3.23 milyon na bakuna laban sa COVID ang CALABARZON.
Kabilang sa mga ito ay ang CoronaVac, AstraZeneca, Pfizer, Sputnik V at ang single-shot vaccine na Janssen.
Moira Encina