Mga nabakunahan kontra COVID sa CALABARZON, halos 5-M na
Umaabot na sa 4,934,493 ang naturukan ng una at pangalawang dose ng anti- COVID-19 vaccines sa CALABARZON.
Sa tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, mula sa nasabing bilang ay mahigit 1.88 milyon na ang fully-vaccinated habang mahigit 3 milyon naman ang partially vaccinated sa rehiyon.
Ang A3 o persons with comorbidities ang pinakamarami sa nakakumpleto ng bakuna na 623,857.
Mahigit 6.43 milyon naman ang alokasyon ng bakuna laban sa COVID ang natatanggap ng Region IV-A mula sa nasyonal na pamahalaan.
Pinakamarami rito ay ang CoronaVac na nasa 3.5 milyong doses at sumunod ang AstraZeneca na 928,180.
Moira Encina