Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa CALABARZON, halos 4M katao na
Aabot na sa halos apat na milyong katao ang naturukan ng anti- COVID-19 vaccines sa CALABARZON.
Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 3,780,269 indibidwal mula sa A1 hanggang A5 priority groups ang nabakunahan na laban sa COVID.
Mula sa nasabing bilang, 1,577,265 ang fully-vaccinated habang 2,174,004 ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID vaccines.
Sa ngayon ay mahigit 4.99 milyong bakuna ang natanggap na ng CALABARZON.
Pinakamarami sa mga ito ay ang CoronaVac na nasa 2.85 million at sumunod ang AstraZeneca na mahigit 884,000.
Nasa 617,000 naman ang Pfizer vaccines, 381,000 ang Janssen vaccines, at 34,500 Sputnik V ang naibigay sa Region IV-A.
May alokasyon na rin na Moderna vaccines sa rehiyon na mahigit 220,000.
Moira Encina