Mga nabakunahan sa CALABARZON laban sa COVID-19, higit 6.14 milyon na
Lagpas na sa anim na milyong katao ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON.
Sa tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 6,144,020 ang nakatanggap ng una at ikalawang dose ng bakuna sa rehiyon.
Mula sa nasabing bilang, nasa 2.66 milyong indibiduwal ang fully-vaccinated na laban sa sakit habang 3.47 milyon ang partially- vaccinated.
Umaabot naman sa mahigit 7.58 milyong doses ng anti- COVID vaccines ang nailaan sa Region IV-A.
Ang CoronaVac ang pinakamarami sa natanggap ng rehiyon na higit 4.38 milyong doses.
Moira Encina
Please follow and like us: