Mga nagparehistro sa Mandaluyong City para sa COVID vaccination, halos 39,000 na
Patuloy ang paghimok ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City sa mga residente ng lungsod na magparehistro na online para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling bilang ng City Government, kabuuang 38,527 na ang mga vaccine registrants sa Mandaluyong.
Kailangan lang mag- log in ng mga residente sa www.mandaluyong.gov.ph/vaccine para sa online pre-registration.
Naragdagan naman ng pito ang bagong kaso ng virus sa lungsod kaya umakyat na sa 116 ang active COVID case batay sa pinakahuling tala ng City Health Department.
Una nang nagbayad ng 20% downpayment ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa AstraZeneca para sa mga biniling 150,000 doses ng bakuna kontra COVID.
Moira Encina