Mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumababa na – DOH
Bumababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa Metro Manila.
Ito ang iginiit ng Department of Health kasunod ng ulat na tumataas ang occupancy rate sa mga ospital sa ilang lugar sa NCR.
Katunayan ayon sa DOH nitong mga nakalipas na araw ay patuloy na bumababa ang mga naitatalang bagong kaso at active cases ng COVID- 19 sa NCR.
Maging ang bilang aniya ng mga bagong severe at critical cases ay bumababa narin.
Sa datos ng DOH hanggang noong Oktubre 21, ang utilization rate sa Mandaluyong ay 16%, sa Muntinlupa ay 64%, at Makati City ay 70%.
Ayon sa DOH ang mataas ng utilization rate sa Mandaluyong at Muntinlupa ay dahil sa mababa talaga ang kanilang bed capacity.
Habang sa Makati naman ay mataas ang occupancy rate dahil sa 3 lamang ang lisensyadong covid hospital sa lungsod na maaaring nakaapekto sa occupancy rate sa lungsod.
Madz Moratillo