Mga nakakumpleto na ng Covid vaccine, hindi pa malayang makagala
Nagbabala ang Malakanyang sa mga nakakumpleto na ng doses ng anti- COVID 19 vaccine na hindi pa malaya ang mga ito na makagala kung saan gustong pumunta.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na wala pang guidelines na inilalabas ang World Health Organization kung ligtas na bang gumala ang mga nabakunahan laban sa COVID 19.
Ayon kay Roque batay sa pahayag ng mga Health expert, hangga’t hindi nakukuha ang herd immunity sa isang lugar na tinamaan ng Pandenya ay hindi pa ligtas ang populasyon sa virus infection.
Halos nasa isang porsiyento pa lamang aniya ng populasyon ng bansa ang nababakunahan at malayo pa ito sa inaasam na na 70 percent upang makamit ang herd immunity.
Niliwanag ni Roque, kasalukuyan pa lamang dumarating sa bansa ang mga biniling anti COVID 19 vaccine.
Kaugnay nito nakiusap si Roque sa mga nakakumpleto na ng bakuna na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum Health Standard dahil nasa paligid pa rin ang banta ng COVID 19 at mayroon pa ring umiiral na mga Community Quarantine.
Vic Somintac