Mga namatay at sugatan sa pag-araro ng trak sa Taytay, Rizal, kinilala na

Patay ang anim (6) na katao kabilang ang isang (1) taong gulang na bata at labingwalo (18) ang sugatan matapos aksidenteng araruhin ng isang container truck ang mga tindahan at tricycle sa Taytay, Rizal mag aalas diyes ng umaga ng Sabado.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang 10-wheeler truck sa pababang bahagi ng Dolores Road sa Barangay Tikling.

Ayon sa mga nakasaksi, iniwasan ng truck ang dalawang tricycle kaya kinabig ng driver nito ang manibela ngunit bumangga din ito sa isang puno bago maararo ang nasa pitong tricycle na nakaparada sa kalsada.

Karamihan sa mga namatay na biktima ay pumailalim sa nasabing truck.

Kinilala ang mga biktima na sina:

1. LUIS BUSTAMANTE , 59 YEARS OLD
2. MA. REMEDIOS APEJAS, 16 YEARS OLD
3. ROLANDO RICAFORT, 47 YEARS OLD
4. TERESITA BONAOBRA, 64 YEARS OLD
5. MARY GIMPIS, 33 YEARS OLD
6. PRINCESS GIMPIS, 1 YEAR OLD

Ang mga sugatang biktima naman na kasalukuyang ginagamot sa Taytay Emergency hospital at Manila East Medical Center ay kinilalang sina:

1. Jiony Gutierez, 35 y/o
2. Jinky Torreno, 23 y/o,
3. Winmark Saliwan, 21 y/o,
4. King Joshua Bonaobra, 3 y/o,
5. Nida Alcantara, 56 y/o
6. Larry Alcantara, 54 y/o
7. Jeann Gimpis, 9 year old
8. Arnel Goloc, 36 y/o
9. Alexander Rebuyaco,27 y/o
10. Abegail Moralina,26 y/o
11. Carlo Tolentino,39 y/o
12. Richard Cooper, 67 y/o
13. Nico Noche,22 y/o
14. Kevin Bonaobra,6 y/o
15. Camille Bonaobra, 11 y/o
16. Augusto Caparas,39 y/o
17. Bryan Trabasas, 28 y/o and
18. Ken Christian Tajonar ,20 y/o

Sa imbestigasyon ng Taytay PNP, umamin ang driver ng truck na nawalan siya ng kontrol dahil pabulusok ang kalsada sa nasabing lugar kaya nagdire-derecho siya pababa hanggang sa makaladkad ang ilang mga tao, tindahan, salon at mga tricycle.

Kasalukuyang nakakulong na ang driver ng truck at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

(ulat ni Earlo Bringas)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *