Mga natatakot sa magdedeklara ng revolutionary government si Pangulong Duterte pinawi ng Malakanyang
Walang dapat ipangamba ang mga natatakot na magdedeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na hindi niya gagawin na magdeklara ng revolutionary government.
Ayon kay Abella ang pahayag ng Pangulo ukol sa revolutionary government ay isang suhestiyon lamang na solusyon sa mga hadlang sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa.
Sa pahayag ng Pangulo kung gustong mapabilis ang pagbabago sa gobyerno ay revolutionary government ang kailangan tulad ng ginawa ni dating Pangulong Cory Aquino noong maupo noong 1986 sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Proclamation Number 3.
Ulat ni: Vic Somintac