Mga negosyante sa Batangas, pinaalalahanan ng DTI kaugnay sa umiiral na price freeze
Nagpaalala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyante sa Batangas kaugnay ng umiiral na price freeze kasunod ng malakas na lindol na tumama sa nasabing lalawigan.
ayon sa DTI , otomatikong ipapatupad ang price freeze kapag idineklara ang state of calamity.
Inilabas ng DTI Batangas ang umiiral na presyo ng mga bilihin at imomonitor ang supply at presyo sa lugar.
Ipapatupad din ang labinlimang araw na price freeze ng liquefied petroleum gas at kerosene.
Sa ilalim ng batas, limang-libo hanggang isang milyong pisong multa at pagkakakulong nang hanggang limang taon ang parusa sa mga lalabag sa price freeze.
Please follow and like us: