Mga nurse at psychologist, kabilang na rin sa i-imbestigahan kaugnay sa pagkamatay ni Maradona
BUENOS AIRES, Argentina (AFP) – Isang psychologist at dalawang nurse na tumulong sa pag-aalaga sa football legend na si Diego Maradona bago ito namatay, ang nadagdag sa lumalawak na imbestigasyon kaugnay ng kasong involuntary manslaughter.
Si Maradona ay namatay dahil sa atake a puso sa labas ng Buenos Aires noong Nobyembre 25, 2020 ilang linggo makaraang sumailalim sa brain surgery sanhi ng blood clot.
Ang kaniyang psychiatrist na si Agustina Cosachov at heart surgeon na si Leopoldo Luque, ay kapwa under investigasyon na habang ginagamot nila si Maradona bago ito namatay.
Ayon sa judicial source, ang tatlong bagong ini-imbestigahan ay kailangang magpakita sa mga prosecutor ngayong linggo.
Sinisikap alamin ng mga imbestigador, kung may nagpabaya sa lima katao na nag-asikaso kay Maradona na mayroong liver, kidney at cardiovascular disorders, ngunit walang senyales na ito ay gumamit ng droga o umiinom ng alak, batay sa kaniyang autopsy.
Ang siruhanong si Luque ay tumugon sa inilunsad na imbestigasyon para sa involuntary manslaughter, sa pagsasabing ginawa ang lahat ng kaniyang makakaya kahit pa aniya ang imposible para sa isang “unmanageable” patient.
Lumitaw sa unang autopsy na ginawa isang araw makaraang pumanaw ni Maradona, na mayroong tubig ang kaniyang baga at dumanas ito ng acute heart failure na dulot ng isang sakit sa heart muscle na sanhi upang mahirapan itong mag-pump ng dugo.
© Agence France-Presse