Mga obsolete na batas, rerepasuhin ng Kamara para makahikayat ng mga investor
Handa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na repasuhin at amyendahan ang mga lumang Economic Laws upang maka-engganyo ng dayuhang investors sa bansa.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga investor sa ginanap na Milken Institute Summit sa Singapore.
Kabilang sa mga foreign investor na gustong magnegosyo sa bansa ay ang Dyson Group ng Singapore na nangako ng 11 billion pesos na investment na lilikha ng 1,250 na trabaho at ang Valiram Group, isang Malaysian retail specialist na planong magtayo ng mga duty free retail outlet sa mga airport sa bansa sa susunod na limang taon.
Una nang inamyendahan ng Kongreso ang Public Service Act at Retail Trade Liberalization Act upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Pahayag ni House Speaker Martin Romualdez ukol sa obsolete laws “We are moving, streamline those laws and we’re also looking at the totality of the body of laws and looking at older laws, either obsolete or archaic o yung sinasabi na hindi na bagay sa panahon na nag e-encourage tayo ng foreign investments”.
Dagdag pa ng House Speaker “ hahanapan natin ng paraan to amend, babaguhin natin para mas magiging open ang bansa sa foreign direct investment ”.
“ We join the President in his policy to do and conduct reviews on the current body of legislation particularly focusing on legislation or laws that govern the treatment and appreciation of foreign investments into the country and how foreign business are conducted in the Philippines.” ani Romuladez.
Vic Somintac