Mga “distressed” OFWs mula sa Saudi Arabia nakauwi na ng Pilipinas
Nakabalik na sa bansa ang mahigit isandaang (100) mga Overseas Filipino Workers o OFWs mula sa Jeddah, Saudi Arabia.
Sa pahayag ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, ang nasabing mga OFWs ay kabilang sa mga napagkalooban ng amnestiya sa ilalim ng programa ng Kingdom of Saudi Arabia.
Ang ating mga kababayan ay sinalubong ng mga OWWA officials at nakatakdang bigyan ng tulong sa ilalim ng Comprehensive Assistance program ng pamahaaan.
Matatandaang nagpahayag ang ahensya na by batch ang pagdating ng mga OFWs na nawalan ng hanapbuhay sa Saudi Arabia matapos ipatupad sa nasabing bansa ang Saudization.
Please follow and like us: