Mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema muling nagsagawa ng ‘Red Monday’ protest sa harap ng nalalapit na paglalabas ng desisyon ng SC sa Quo Warranto petition laban kay CJ on-leave Sereno

Ilang araw bago ang inaasahang botohan ng mga Supreme Court justices sa quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa Biyernes, muling nagsuot ng pula ang ilang opisyal at empleyado ng Korte Suprema sa kanilang flag raising ceremony.

Kabilang sa mga lumahok sa tinaguriang ‘Red Monday’ protest ang mga miyembro ng Supreme Court Employees Association at mga opisyal ng Philippine Judges Association.

Matatandaang isinagawa ang Red Monday protest para ipakita ng mga kawani ng hudikatura ang kanilang suporta sa mga mahistrado ng SC na bumoto para magindefinite leave si Sereno at para ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto nito.

Sinabayan naman ito ng rally ng mga grupong kontra kay Sereno sa labas ng Korte Suprema.

Nais ng mga grupong Citizens’ Crime Watch at  Sereno Resign and Oust na magbitiw na sa posisyon si Sereno.

Ayon kay Atty Ferdinand Topacio ng CCW, lumalabas na hindi kwalipikado si Sereno sa pagiging  Punong Mahistrado at kung ganito ang pananaw ng karamihan ng mga kasamahan nito ay oras na para ito bumaba.

Iginiit pa ni Topacio na hindi lamang ang impeachment ang tanging paraan para mapaalis sa pwesto ang isang impeachable official.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *