Mga opisyal ng DOE at DOTr ipinatawag ng Senado
Ipinatawag na ng Senate Committee on Energy ang mga opisyal ng Department of Energy at DOTR para alamin ang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Aalamin ng komite kung ano na ang hakbang ng gobyerno para bawasan ang impact ng nangyayaring krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine lalo na ang epekto nito sa suplay at presyo ng mga produktong petrolyo.
Busisiin rin ng mga Senador kung nakakatugon ba ang oil companies sa inventory requirements ng petroleum products at kung sapat ang petroleum reserve para sa pangangailangan ng bansa.
Bukod sa mga opisyal ng DOE at DOTR, pinahaharap sa pagdinig ngayong umaga ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission, Phililippine National Oil Company, National Power Corporation at Department of Trade and Industry.
Ito’y para malaman kung gaano na ang naging impact ng serye ng oil price increase sa presyo ng basic commodities at singil sa kuryente.
Meanne Corvera