Mga opisyal ng DOJ, DENR, DSWD at DILG nagpulong ukol sa isyu sa Socorro Bayanihan Services Incorporated

Nagharap ang mga kalihim at ilang opisyal ng DOJ, DSWD, DENR at DILG upang talakayin ang ilang isyu kaugnay sa Socorro Bayanihan Services Incorporated.

Pinangunahan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pagpupulong ng mga kalihim at mga opisyal na ginawa sa DOJ.

Kasama rin sa mga dumalo sa pulong sa DOJ ang ilang opisyal ng Pambansang Pulisya.

Sa Lunes, itinakda ng DOJ ang pagdinig sa mga reklamo laban sa grupo partikular sa sinasabing lider nito na si Señor Aguila na nahaharap sa mga reklamong human trafficking, kidnapping at child abuse.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *