Mga opisyal ng nagsarang rural bank sa Negros Oriental, hinatulang guilty ng korte sa mga kasong kriminal
Sinentensiyahan ng parusang pagkakakulong ng dalawang korte sa Bayawan City, Negros Oriental ang tatlong dating opisyal ng sarado nang Rural Bank of Basay (Negros Oriental) dahil sa mga paglabag sa General Banking Law of 2000 at Revised Penal Code.
Partikular na hinatulang guilty ang dating
President/Manager ng bangko na si Amorsolo L. Jordan, dating Cashier na si Herelyn B. Gaga-a, at dating Loan Collector na si Rene R. Silorio.
Ang kaso laban sa mga opisyal ay inihain ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa DOJ noong 2019.
Nag-ugat ang kaso sa partisipasyon ng tatlo sa sa pagproseso, approval, at grant ng bangko ng ilang loans sa Directors, Officers, Stockholders and Related Interests (DOSRI) na umaabot sa Php 393,500 at isang fictitious loan na nagkakahalaga ng Php 521,000.
Nadiskubre ng BSP ang kuwestiyonableng loans sa imbestigasyon nito sa loan transactions ng RB Basay matapos itong magsara.
Dalawang taon hanggang anim na taon na imprisonment sa bawat sa nine counts ng paglabag sa General Banking Law ang ipinataw ng Bayawan RTC kina Jordan at Gaga-a.
Sa ruling naman ng Bayawan MTCC, magkahiwalay na parusang pagkakabilanggo na apat na buwan hanggang isang taon at multang Php1000 ang ipinataw sa dalawa dahil sa falsification of public documents at falsification of private documents.
Si Silorio naman ay nahaharap sa parusang apat na buwan na imprisonment at multang Php 1,000.
Moira Encina