Mga opisyal ng Philhealth na nagpabaya sa data protection ng mga miyembro nais panagutin ng Kamara

Hindi dapat ipasa ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa gobyerno sa nangyaring pagkaka-hacked ng kanilang data system.

Ito ang inihayag ni Anakalusugan Partylist Representstive Ray Reyes matapos sabihin ni philhealth Executive Vice President at Chief Operating Officer Eli Santos na kaya napasok ng mga hacker ang kanilang database dahil sa kabiguan ng National Government na aprubahan ang request na i-update ang anti virus system ng ahensiya dahil sa mahigpit na proseso ng procurement.

Nais ng Kamara na malaman kung gaano kalawak ang na-compromised na personal information ng mga Philhealth members.

Batay sa report kahit naayos na ang database system ng Philhealth sa tulong ng department of Information and Communications Technology o DICT hawak na ng mga hackers ang impormasyon ng mga miyembro at ang katunayan nito ay nailathala na sa dark web ng mga hackers na maaaring magamit sa kasamaan.

Pahayag ni Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes

“Philippine health insurance corp. (philhealth) officials should be liable for failing to protect the personal information of its members.

Dapat may managot sa nangyaring hacking at data leak sa Philhealth. They should quit their posts if they can’t competently follow guidelines that were meant to ensure integrity in government transactions.

Blaming the procurement rules just shows a failure of leadership in Philhealth and the lack of importance they place in protecting members’ data. Antivirus software are subscription based and can be easily procured with basic planning and management.

Nakakalungkot kasi pinapaikot lang tayo ng philhealth sa pabago-bago nilang statements. Sa simula sinabi nila na walang data leak hanggang sa umabot na tayo sa ganito. hanggang ngayon malabo at walang kasiguruhan ang mga statements na inilalabas nila.

Naayos na nga ang system at database ng Philhealth pero paano naman ang mga personal information na nakapost na sa dark web?

Hindi na po natin mababawi o mabubura ang mga bagay na nakapost sa internet at dahil sa malaking kapabayaan na ito ng philhealth, di malayong magamit ng mga masasamang loob ang personal information ng mga philhealth members sa mga ilegal na gawain.”

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *