Mga pamilya at negosyong umaasa sa POGO nanganganib kung tuluyang iba ban ang POGO
Libong libong pamilya at negosyong umaasa sa POGO ang maaaring malugi o mawalan ng kabuhayan kapag tuluyang nang i- ban ang operasyon nito sa Pilipinas.
Ayon kay Atty. Michael Danganan ng Association of Service Providers and Pogos o ASPAP, aabot sa 23 libo ang kanilang mga pilipinong empleyado.
Pero maituturing itong triple dahil sa mga negosyong nagsusuplay sa kanila ng pagkain at transportasyon.
Hindi lang aniya suweldo ang napapakinabangan ng mga empleyado ng POGO dahil kasama sa kanilang benepisyo ang pagkain, transportation, allowance at accommodation.
Umaapila ang ASPAP sa Senado na ikunsidera ang magiging kalagayan ng mga mangagawa sakaling magdesisyong i ban ang POGO.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, wala pang rekomendasyon ang Senate Committee on Ways and Means sa mga hirit na i ban ang POGO.
Hihintayin pa aniyang matapos ang imbestigasyon bago sila maglabas ng rekomendasyon na maaaring isumite kay Pangulong Bongbong Marcos.
Meanne Corvera