Mga pamilyang  evacuees sa Mayon, bibigyan ng tig-P12k ng DSWD

Makatatanggap ng tig-12 libong pisong cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development ( DSWD ) ang bawat pamilyang nasa mga evacuation center dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang cash assistance sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano ay bahagi ng disaster assistance ng ahensiya sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Gatchalian tatagal ng 90 araw ang food packs na ipinadala ng DSWD sa Albay.

Inihayag ni Gatchalian na kung hahaba pa ang pag-aalburoto ng bulkang Mayon ay magpapadala pa ang DSWD ng karagdagang food at non-food assistance sa mga evacuee.

Batay sa ulat, nasa 4,286 pamilya  ang namamalagi sa evacuation centers sa mga bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Sto. Domingo, Maliliput, Bacacay, Ligao City at Tabaco City na pawang nasa 6 kilometers permanent danger zone.

Mayroon ding humigit-kumulang na 5,000 mga magsasaka ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon na dapat  ayudahan dahil nasira na ang kanilang mga pananim.

Vic Somintac


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *