Mga pampublikong sasakyan oobligahin na maglagay ng permanenteng upuan sa mga nakatatanda
Oobligahin na ang mga pampublikong sasakyan na maglagay ng priority seat sa mga nakatatanda.
Naghain ng Senate Bill 1367 o amiyenda sa ilang probisyon ng expanded Senior Citizens Act si Senadora Grace Poe para maobliga ang mga Public Transportation na maglagay ng permanenteng upuan ang mga nakatatanda.
Sakop ng panukala ang mga jeep, bus, tren, barko at eroplano.
Iginiit ni Poe na kahit may mga reserved seats sa mga Land Transportation sa mga nakatatanda, walang batas para sa priority seats sa mga barko at eroplano.
Sa panukala, kailangang bakantehin ng sinumang pasahero ang priority seat kapag may nakatatanda at kailangang malapit sila sa pintuan ng sasakyan.
Sinumang lalabag ay maaring pagmultahin ng limang libong piso at pagkakakulong ng hanggang dalawang buwan.
Ulat ni: Mean Corvera