Mga panganib ng AI pinag-usapan ni Zuckerberg at ng Japan PM
Nakipagkita si Meta chief Mark Zuckerberg kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida habang bumibisita siya sa Japan, kung saan napaulat na pinag-usapan nila ang mga panganib ng generative AI.
Ayon sa local media, pagkatapos ng 30-minutong pag-uusap ay sinabi ni Zuckerberg, “We had a good, productive conversation about AI and the future of technology. I’m really excited for the work that is happening here in Japan.”
Sinabi pa ng Facebook founder, na kasama rin sa pag-uusap si Joel Kaplan, ang vice president ng global public policy ng Meta.
Pinangunahan ng ChatGPT ng OpenAI, ang generative artificial intelligence ay isang teknolohiya na maaaring mag-conjure ng text, larawan at audio sa ilang segundo lamang mula sa mga simpleng senyas.
Ang mabilis na pag-unlad nito ay ipinahayag bilang ‘potentially revolutionary’ para sa lahat mula sa mga video game hanggang sa pulitika, ngunit may negatibo at positibo ring consequences.
Ngayong buwan, isa ang Meta sa 20 pangunahing tech companies kasama ang OpenAI na pumirma sa isang ‘pledge’ upang sugpuin ang AI content na naglalayong dayain ang mga botante bago ang mahahalagang halalan sa buong mundo ngayong taon.
Nauna nang sumang-ayon ang mga tech group na gumamit ng karaniwang watermarking standard na magta-tag ng mga larawang nabuo ng mga AI application gaya ng ChatGPT, Llama ng Meta, Copilot ng Microsoft at Gemini ng Google.
Ang 39-anyos na si Zuckerberg, ay ilang araw ng nasa Japan para sa ‘business and pleasure,’ at ang susunod niyang biyahe ay sa South Korea upang makipagpulong kay President Yoon Suk Yeol, at sa mga lider ng tech titans na Samsung at LG, ayon sa local media.
Makikipagkita rin siya sa CEO ng LG Electronics upang pag-usapan ang development ng isang mixed-reality headset para kumpetensiyahin ang Vision Pro ng Apple, batay sa report ng Korea Economic Daily.
Dadalo rin si Zuckerberg sa magarbong pre-wedding celebrations ng anak ni Mukesh Ambani, ang chairman ng oil-to-telecoms giant na Reliance, sa India mula March 1-3.
Ang Meta, Google at iba pa ay namuhunan ng bilyun-bilyong dolyar sa digital unit ng Reliance na Jio Platforms sa layuning makuha mula sa Amazon at Walmart, ang malawak na e-commerce market ng India.