Mga pangunahing akusado sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine, babasahan na ng sakdal sa Setyembre
Babasahan na ng sakdal sa Setyembre ang mga pangunahing akusado sa umano’y pagkamatay ng may mahigit isandaang mga kabataan matapos magpaturok ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Atty Persida Acosta ng Public Attorneys Office (PAO), kasama sa mga babasahan ng sakdal si Dating Health Secretary at Congresswoman Janette Garin, Secretary Francisco Duque, mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation at Sanofi Pasteur.
Aabot sa 157 criminal cases na ang nakapending sa Quezon city Regional Trial Court kaugnay ng isyu ng Dengvaxia.
Ang PAO ang Nagsampa ng kaso para sa pamilya ng mga namatay na biktima.
Karamihan aniya sa kanila ayaw nang magsampa ng kaso at pumayag na sa limampung libong financial assistance mula sa gobyerno.
Meanne Corvera