Mga pantalan inaasahang dadagsain ng mga pasahero sa pagbabalik eskwela

Naka-heightened alert na rin ang Philippine Ports Authority sa inaasahang dagsa ng mga pasahero kasabay ng pagbabalik eskwela.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, lahat ng kanilang pantalan partikular na ang mga passenger terminal sa buong bansa ay handa na katuwang ang kanilang Port Police, Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority.

Bukod sa seguridad ay ang pagsiguro rin aniya na magiging kumportable ang mga pasahero.

Sa monitoring ng PPA, nagsisimula ng dumami ang mga pasahero na umuuwi sa mga probinsya.

Kabilang sa top 3 ports na pinakaabala ngayon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasahero mula ng magsimula ang Brigada Eskwela at long weekend ay sa Panay, Guimaras, Batangas at Bicol.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *