Mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan, dagsa na
Nagsimula nang dumagsa ang mga pasaherong pauwi sa kani- kanilang mga lalawigan at patungo sa ibat ibang destinasyon.
Ito kasi ang unang pagkakataon na makakabiyahe na ang mas marami nating mga kababayan pagkatapos ng dalawang taon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Jason Salvador ng PITX, nitong weekend umabot sa mahigit 250,000 na mga pasahero ang bumiyahe patungong southern part ng bansa tulad ng Bicol.
Inaasahan nilang tataas pa ito mula ngayong araw hanggang Martes dahil sa mahabang bakasyon.
Sa Cubao Bus terminal, maluwag pa ang biyahe.
May biyahe papuntang Bicol, Samar at patungong Panay island.
Available pa rin ang mga biyahe patungong Norte tulad ng Pampanga.
Pinayuhan ng pamunuan ng mga bus terminal ang ating mga kababayan na huwag kalimutan ang pagsusuot ng facemasks at madalas na pagggamit ng alcohol o sanitizer para makaiwas sa pagkakalat o mahawa ng virus.
Meanne Corvera