Mga petisyon para mag-joint session ang Kongreso kaugnay sa Martial Law, hindi kasama sa tatalakayin sa oral arguments ng SC sa susunod na linggo

Courtesy of Wikipedia.org

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi saklaw ng ipinatawag nitong oral arguments sa petisyon na kumukwestyon sa proklamasyon ng Martial Law ang mga petisyon na humihiling na atasan na mag-joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Supreme Court PIO Chief Atty. Theodore Te, sa ngayon ay dalawa ang petitions for mandamus na humihiling sa Korte Suprema na mag-convene ang Senado at Kamara para busisiin ang deklarasyon ng Pangulo ng Martial Law.

Pero iba aniya ito sa petisyon na kumukwestyon sa factual basis ng batas militar na inihain ng ilang Kongresista.

Dahil dito ay hindi aniya iko-consolidate o isasama ang naturang dalawang petisyon sa naunang petisyon na inihain ng opposition Congressmen at hindi rin kabilang sa oral arguments sa June 13, 14 at 15 na tutuon sa legalidad ng batas militar

Pero posibleng pag-isahin aniya ng Korte Suprema ang mga naturang petisyon na nanawagan na magjoint session ang Kongreso.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *