Mga Pilipino sa Sudan pinag-iingat ng Embahada

Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt ang mga Pilipino sa Sudan na manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa embahada ukol sa
kanilang kalagayan.

Maaari anilang kontakin ng mga Pilipino sa Sudan ang Facebook Messenger, email, mobile o telephone number ng Embahada sa Cairo at ang Consulate General sa Khartoum.

Pinagsusumite rin ang mga Pilipino ng malinaw na kopya ng kanilang pasaporte at visa sa [email protected].

Hinihingi rin ng Philippine Embassy ang mga impormasyon gaya ng pangalan, phone number, lugar at pangalan ng pinagta-trabahuhan ng mga Pinoy at ang pangalan at contact details ng kamag-anak sa Pilipinas.

Umaabot sa 258 ang Pinoy sa Sudan batay sa pinakahuling tala ng DFA noong Marso.

Hindi bababa sa 56 katao ang napatay bunsod ng karahasan at away sa pagitan ng dalawang paksyon ng militar sa Sudan na sumiklab noong Sabado.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *