Mga Pilipinong walang trabaho, nabawasan nitong Pebrero
Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang hanapbuhay nitong Pebrero.
Ayon kay Claire Dennis Mapa, Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician, bumaba sa ng 3.5 percent o katumbas ng 1.80 million ang Jobless Filipino na may edad kinse pataas.
Ito na ang pinakamababang bilang ng Unemployed individuals simula noong December 2023 kung saan naitala sa 1.60 million ang Unemployment rate.
Isa sa dahilan ng pagbaba ng Unemployment rate ay ang tumaas na demand kasunod ng pagbubukas ng klase at pagsisimula ng harvest season.
Samantala, tumaas naman sa 48.95 million ang employed individuals, katumbas ito ng 96.5 percent employment rate sa bansa.