Mga Pinoy mula Ukraine tatanggapin ng Poland

Foreigners who live in Ukraine wave their national flags as they attend the “International Unity March for Ukraine” in Kyiv on Feb. 6, 2022. Expats from different countries rally in downtown Kyiv waving national flags to show unity and support for Ukraine amid soaring tensions with Russia.
Genya SAVILOV / AFP

Inihayag ng Malacañang at ng Department of Foreign Affairs (DFA), na nagpapatuloy ang repatriation ng mga Filipino mula sa Ukraine at ang Poland ay nag-aalok na tanggaping pansamantala sa kanilang bansa ang ilan sa mga ito.

Ayon kay acting presidental spokesman Karlo Nograles . . . “The safety of Filipinos in Ukraine remains foremost in the mind of President Duterte. The Philippine government, through the Department of Foreign Affairs, is now conducting repatriation efforts of Filipinos living in Ukraine.”

Noong Miyerkoles, sinabi ng DFA na si Foreign Affairs Undersecretary for migrant workers’ affairs Sarah Arriola ang nanguna sa repatriation effort para sa mga Pinoy na nais nang umuwi. Noong Feb. 18 ay anim na Filipinos mula sa Ukraine ang nakabalik na sa Pilipinas.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr., sumang-ayon ang Poland na tanggapin ang mga Pinoy galing Ukraine kahit walang visa.

Sa isang post sa Twitter matapos i-anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin sa isang televised address na inaprubahan niya ang isang “special military operation” sa Ukraine, sinabi ni Locsin na isinailalim sa high alert ang Philippine Embassy sa Warsaw, na may hurisdiksiyon sa Ukraine.

Nakasaad sa tweet ni Locsin . . . “Warsaw PE’s (Philippine Embassy) been on high alert; repatriated a few; Poland finally agreed to let ours in sans EU (European Union) visas; not heard anything from Russia on our request re: its closest border. Most Filipinos in Ukraine are grateful guests and want to stick it out with their warm welcoming neighbors.”

Wika naman ni Arriola sa isang press briefing . . . “I confirm what he (Locsin) said but that’s as far as we can go. We cannot give other details and we’ll let the Secretary give the details as to the arrangements with Poland. Actually there are no people yet who have crossed to other countries.”

Karamihan sa 181 Filipinos sa Ukraine ay household service workers ayon kay Arriola.

Aniya . . . “All our posts, not only in Warsaw, but all our posts in Europe are willing to lend a helping hand to Filipinos in Ukraine.”

Pahayag naman ng DFA . . . “For now, we urge our kababayans in Ukraine not to panic but to exercise caution and mind their movement, to keep their vigilance, and to maintain communication with the Philippine Embassy Team in Lviv or the Consulate General in Kyiv should they need any assistance. Our posts in Warsaw, Budapest, and Moscow, as well as the rest of our European posts, are on standby for any eventuality.”

Tiniyak din ng DFA sa mga Pinoy sa Ukraine, na pananatilihin nito ang presensiya sa Lviv bilang suporta sa Philippine Consulate General sa Kyiv hangga’t kailangan.

Please follow and like us: