Mga Pinoy na naapektuhan ng Hurricane Irma, papauwiin ng DFA
Nakatakda nang i-repatriate sa susunod na linggo ang ilang Pilipino sa Caribbean Islands na naapektuhan ng Hurricane Irma.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, karamihan sa 230 na apektadong Pinoy ay mula sa British Virgin Islands habang ang ilan ay nagmula sa mga isla ng Anguilla at St. Martin.
Magpapadala rin ang gobyerno ng Pilipinas ng chartered aircraft na mag-uuwi sa mga Filipino sa Lunes.
Please follow and like us: