Mga pinoy na residente sa Paris, nakilahok sa fun run event upang labanan ang COVID-19
Nilahukan ng ilang Filipinong residente na sa Paris, France ang isinagawang fun run event doon kahapon, Linggo (Sept. 26).
Ang naturang event ay nakapagbigay lakas at sigla sa kanila, at nakatulong din para pansamantalang mapawi ang kanilang kalungkutan at para na rin mapalakas ang kanilang kalusugan.
Isa na rito ang Feleo Family, na higit 30 taon nang naninirahan sa Paris.
Ayon sa pamilya, lumahok sila sa event upang mapalakas ang kanilang resistensya at malabanan ang nakamamatay na COVID-19.
Sinabi ni Lei Feleo, isang pinay na French citizen na ngayon, na ang lahat ng kalahok ay dumaan sa masusing pagsusuri.
Inatasan din silang ipakita ang kaukulang mga dokumento gaya ng sanitary pass, COVID-19 vaccine card with negative result bago makasali sa fun run.
Nori Fidel