Mga Pinoy na walang trabaho, lumobo na sa 3.13 milyon
Nasa 3.13 milyon na ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong Pebrero 2022, dahil kahit niluwagan na ang restrictions ay marami pa ring walang makuhang trabaho dahil marami pa ring negosyo ang hindi pa nag-ooperate.
Ayon sa Philippine Statistics Authority chief at National Statistician na si Claire Dennis Mapa, karamihan ng unemployed adults ay nasa edad 15-anyos pataas.
Ang 3.13 milyong walang trabaho nitong Pebrero ay mas mataas sa 2.93 milyon na walang trabaho noong Enero, nguni’t mas mababa ito sa 4.19 million noong February 2021.
Sinabi ni Mapa, na nang lumuwag ang mga restriksiyon nang isailalim sa Alert Level 2 ang ilang lugar nitong Pebrero ay marami na ang naghanap ng trabaho, kung saan umabot ito sa 63.8% nitong Pebrero 2022, mas mataas sa 60.5% noong Enero 2022.
Aniya . . . “Marami ang naghahanap ng trabaho pero hindi sila nakakuha ng trabaho na gusto nila. Possible reasons are not enough jobs or some are waiting for other opportunities.”