Mga Pinoy, pangatlo sa mga lahi sa Asya na nagiging biktima ng Hate crimes sa Amerika
Pumapalo sa 9.1 percent o katumbas ng nasa 826 na mga Pinoy ang nagiging hate victims sa Estados Unidos.
Ito ang lumabas sa datos ng Stop Asian American Pacific Islander (AAPI).
Sa ulat ng AAPI noong August 12, karamihan sa mga insidente ng hate crimes ay nangyayari sa labas ng tahanan at mga pampublikong lugar.
Ito ay mula sa peryodong March 19, 2020 hanggang June 2021.
Ang mga Chinese ang nangunguna sa may pinakamaraming ulat ng Hate crimes na nasa 43.5 percent, sinundan ng mga Korean na nasa 16.8 percent at pumangatlo ang mga Pinoy na nasa 9.1 percent, Japanese na nasa 8.6 percent at Vietnamese na nasa 8.2 percent.
Nasa 63.3 percent ng mga nagiging biktima ay mga kababaihan.
Verbal abuse ang lumalabas na may pinakamaraming insidente ng hate crimes, sinundan ng physical assault o pisikal na pananakit na nasa 13.7 percent habang mayroon ding nakaranas ng inubuhan at dinuraan na nasa 8.5 percent.
Nasa 48.1 percent naman ng hate victims ang nakatanggap ng hateful statement o masasamang salita tungkol sa anti-china o anti-immigrant.
Kamakailan ay napaulat na isang Pinoy stage actor at isang Pinay nurse ang inatake ng hate crimes habang nasa namamahagi ng face mask sa subway habang ang isa ay inatake habang pauwi sa kaniyang apartment.