Mga Pinoy pinagbawalan muna ng DFA na bumiyahe sa Sudan
Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang babala sa Sudan dahil sa tumitinding karahasan doon.
Sa abiso ng DFA, pinagbawalan muna ang mga Pinoy na huwag bumiyahe sa naturang bansa.
Para naman sa mga Pinoy na nasa Sudan, pinapayuhan sila ng embahada doon na iwasan muna ang mga public places at iba pang matataong lugar at paghandaan ang posibleng evacuation.
Samantala ang mga Filipino na nagtratrabaho sa Sudan pero nagbakasyon sa Pilipinas ay papayagan lang silang makabalik sa naturang bansa kung mayroon silang existing employment contracts.
Ayon sa DFA ang mga Pinoy na mangangailangan ng assistance ay maaring tumawag sa hotline sa Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa +202 252 13062.
Ulat ni Meanne Corvera