Mga Pinoy sa France pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas matapos na itaas ang terrorism threat sa nasabing bansa
Inabisuhan ng Philippine Embassy sa France ang mga Pilipino na residente sa nasabing bansa na mag- ingat at maging mapagmatyag makaraan na itaas ang terrorism threat doon.
Ayon sa embahada, itinaas ng French government sa “attack emergency” ang alert level sa France makaraan ang pagpatay sa isang guro sa isang paaralan doon.
Dahil dito, pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy sa France na mag-ingat at sumunod sa security measures ng mga pulis.
Hinimok din ang mga Pinoy na magkaroon ng buddy system sa pamilya, mga kaibigan, at komunidad para sa komunikasyon at mutual aid.
Inilabas din ng Philippine embassy ang mga emergency number na maaaring kontakin ng mga Pinoy.
Ipinapa-download din ng embahada sa mga Pinoy ang app para sa real-time crisis alerts sa France.
Moira Encina