Mga Pinoy sa Shenzhen, China, ‘di apektado ng panibagong Covid lockdown– DFA
Nakipag-ugnayan na ang konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou para alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa Shenzhen na isa sa mga lungsod sa Tsina na isinasailalim sa lockdown bunsod pa rin ng COVID-19.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na ipinabatid ng Pinoy community leaders sa Shenzhen na karamihan sa mga Pilipino sa Shenzhen ay wala sa anim na subdistrict doon na sakop ng lockdown.
Ang mga Pinoy naman anila na nasa mga lugar kung saan may restrictions ay work-from-home.
Sa datos ng DFA, tinatayang 800 Pilipino ang naninirahan sa Shenzhen na international technology hub.
Karamihan sa mga Pinoy doon ay nagtatrabaho bilang mga guro, engineer, arkitekto, musician, at household worker.
Moira Encina